top of page

Edukasyon
sa mga kababaihan
ng Pilipinas
sa iba’t ibang panahon

Minimithi ng mga kadalagahan ng Malolos na sinulatan ng liham ni Rizal na makatanggap ng edukasyon mula sa mga Kastila kaya naghain sila ng petisyon na makapagpatayo ng paaralang pang-gabi. Hangad ng 21 na kababaihan na matuto ng wikang Kastila rito. Ngunit, ano nga ba ang kalagayan ng edukasyon sa mga kababaihan ng Pilipinas bago, habang, at pagkatapos ng pananakop ng Espanya?

AYON KAY HIEP ET AL., 2021
Two-Tagalog-Common-Women.jpg
Screen+Shot+2020-01-10+at+1.19.31+AM.png
33224bc0cde161654d9f1f328eb28a50d49d00c4.jpg
PRE-KOLONIYAL
SA PANAHON NG KOLONYAL NA ESPANYA
SA PANAHON NG KOLONYAL NA ESTADOS UNIDOS
  • Batay sa iba’t ibang pag-aaral, may respeto sa mga kababaihan ng Pilipinas at kapantay nila ang mga kalalakihan noon.

  • Parehong maalam ang mga babae’t lalaki sa pagbabasa at pagsusulat gamit ang kanilang katutubong alpabeto.

  • May pormal na edukasyon sa mga isla ng Pilipinas kung saan itinuturo ang pagbabasa, pagsusulat, relihiyon, pakikipagtuos, at pagdepensa ng sarili.

  • Naging limitado ang edukasyon para sa mga kababaihan ng Pilipinas.

  • Sa elementarya, may mga iilang paaralan lamang para sa mga kababaihan subalit ang mga ito’y nakalaan lamang sa mga mula sa mayayamang pamilya. Kabilang sa mga itinuturo ang paghahabi o needlecraft.

  • Ang hayskul, bokasyonal na edukasyon, at kolehiyo ay para lamang sa mga kalalakihan. May mga bukas para sa kababaihan ngunit ito’y sa mga kababaihan ng Espanya at anak ng mga lokal na elite lamang.

  • Hindi akademiko ang mga paaralan mula sekondarya sapagkat nakatuon ang pagtuturo sa paghahanda sa pagiging ina at pagsasanay ng relihiyosong buhay

  • Kahit galing sa marangyang pamilya, nilimita pa rin ang mga pagpipiliang karera ng mga kababaihan. Maliban sa pagiging ina at maybahay, maaari lamang silang maging guro o madre.

  • Nagsulong ng reporma ang Amerika, nang naaayon sa kanilang ideya, sa umiiral na sistema ng edukasyon ng Pilipinas.

  • Sa primaryang edukasyon, magkatulad ang pinag-aaralang kurso ng mga kalalakihan at kababaihan.

  • Bagaman bukas sa parehong kasarian ang mga programa sa sekondaryang edukasyon, nagkaroon pa rin ng gender stereotyping sa mga linya ng trabaho.

  • Sa ika-20 siglo, pinaigting ang bokasyonal na pag-aaral lalo na sa mga kababaihan sa hayskul upang punan ang kakulangan sa lakas-paggawa sa agrikultural na sektor. Naging required ang pagkuha ng ekonomiyang pantahanan at pang-agrikultura sa lahat ng rural na paaralan.

  • Naipatayo ang unibersidad na pinamamahalaan ng estado at mga kolehiyo nito na naging bukas para sa lalaki’t babae.

  • Sa kabila ng pagbabago sa edukasyon sa ilalim ng Amerika, nagpatuloy pa rin ang tradisyon ng division of labor by sex.

pharmaceutical-lab-2.jpg

Kahit na nagtamasa ng benepisyo ang mga kababaihan mula sa mga nailahad na pagbabago sa edukasyon, hindi pa rin naiangat ang kanilang estado at antas ng pamumuhay sa proseso. Hindi naging tunay na ganap na mapagpalayang puwersa ang edukasyon sa bansa para sa mga kababaihan (Torres, 1995).

"

Hindi naging tunay na ganap na mapagpalayang puwersa ang edukasyon sa bansa para sa mga kababaihan.

Mga mag-aaral ng Medisina sa Philippine General Hospital noong panahon ng Amerikano
MGA SANGGUNIAN

Clark, J. (2022, June 3). Pre-Colonial RELIGION, CULTURE & SOCIETY of the TAGALOGS | Philippines [Image]. THE ASWANG PROJECT. https://www.aswangproject.com/tagalogs/

​

Hiep, T. X., Hung, T. D.,  Long, T. H., Binh, N. T., & Bao, T. T. (2021). Women Education in the Colonial Context: The Case of the Philippines. Psychology and Education, 58(1), 5213–5221. DOI:10.17762/pae.v58i1.2076

​

Teng, J. (2021, December 26). The History of Filipino Nurses in the United States of America [Image]. Medium. https://medium.com/frame-of-reference/the-history-of-filipino-nurses-in-the-united-states-of-america-e29889d910bb

​

Torres, A. T. (1995). Women's Education as an Instrument for Change: The Case of the Philippines. Sa J.K. Conway, & S. C. Bourque (Eds.), The Politics of Women’s Education (pp. 105–119). Michigan Publishing. https://www.pssc.org.ph/wp-content/pssc-archives/Works/Amaryllis%20Torres/Women_s%20Education%20as%20an%20Instrumentfor%20Change,%20The%20Case%20of%20the%20Philippines(4).pdf

bottom of page