top of page

Kababaihan
sa Pilipinas noong panahon ng
mga Kastila

May mga sariling paniniwala at pagtingin ang mga Kastila sa mga kababaihan noong panahon ng pananakop nila. Kaugnay ng bahay ang mga kababaihan kung saan dapat lamang silang manatili sa loob nito, ngunit may ilang mga babae pa rin ang nakakakuha ng bokasyonal na kurso.

(SALDUA, 2012)
Bayani-art-Filipina-Warriors.jpg
Litrato ng mga batang babae noong panahon ng Espanyol

Ang trabaho nila buong buhay ay ang maging masunuring anak at maging mabait na asawa at ina sa mga magiging anak nila. Ito ang tipikal na “Maria Clara” ng mahinhing dalagang personalidad. Ang ideyal na babae ay sinasabing masambahin, mapagkumbaba, at masunurin.

​

Ang resulta nito sa lipunan ay ang patriyarkal na lipunan na naisaisip ng mga Kastila sa una pa lamang. Bawal sila sa mga ilang mahahalagang usapin tulad ng pulitika. Noon, ang pangunahing mga sangkap na nagkokontrol sa kababaihan ng Pilipinas ay ang mga Kastila mismo at ang Simbahang Katoliko. Dahil dito, isinulat ni Rizal ang “Message to the Young Women of Malolos” o “Liham sa Kadalagahan ng Malolos.” Binubuksan ng liham na ito ang mga mata ng mga kababaihan na maging kritikal sa mga obserbasyong nangyayari sa paligid nila at huwag hayaang maikulong ang kanilang isipan sa ipinapataw ng mga Kastila. Ang nasabing liham ay isa sa mga posibleng dahilan na nag-udyok sa pakikilahok ng mga kababaihan sa Katipunan na nangyari matapos ang pagkabaril sa kanya sa Bagumbayan ilang taon ang makalipas.

"

The freedom of women was suppressed because the Spaniards realized that women in the Philippines were very important and was regarded highly and that fact scared them.

Screen+Shot+2022-11-17+at+10.18.25+PM.png
Litrato ng mga kababaihan noong panahon ng Espanyol

Binabawasan noon ang importansya ng babae sa lipunan. Ngunit hindi pumayag ang ilan gaya nina Gabriela Silang at Gregoria de Jesus. Sabi sa artikulo ni Saldua, “The freedom of women was suppressed because the Spaniards realized that women in the Philippines were very important and was regarded highly and that fact scared them.”

"

Ang ideyal na babae ay sinasabing masambahin, mapagkumbaba
at masunurin.

Gregoria_de_Jesús.jpg
8576277697_5036c79163_b.jpg
Litrato ni Gregoria De Jesus, at monumento ni Gabriela Silang sa Lungsod ng Makati.
MGA SANGGUNIAN

Bang, M. (2022, November 18). Reclaiming and Modernizing the Terno is Not Just For Filipino Elites [Image]. FAST at UCLA. https://www.fastatucla.com/fast-at-ucla/reclaiming-and-modernizing-the-terno-is-not-just-for-filipino-elitesnbspnbspnbspnbsp

​

Bayani-art-BAYANI-CATALOG-Babae. (2020, March 8). Bayani Art [Image].. https://www.bayaniart.com/welcome/bayani-art-bayani-catalog-babae/

​

Kelly, K. (2013). Gabriela Silang Monument [Image].. Flickr. https://www.flickr.com/photos/keithkelly/8576277697

​

Saldua, A. D. I. R. (2012, Pebrero 22). The Role of Women from Pre-Hispanic to Spanish era. Tonks: UP Open University.

https://tonkshistory.wordpress.com/2012/02/22/the-role-of-women-from-pre-hispanic-to-spanish-era/

​

Ubando, J. (2022, January 28). Behind the Seams: The history and making of the Terno [Image].. Jillian Joy Hand Crafted. https://www.jillianjoyhc.com/blog/2020/1/9/behind-the-seams-the-terno

​

Wikipedia contributors. (2022, October 27). Gregoria de Jesús [Image]. Wikipedia. https://en.wikipedia.org/wiki/Gregoria_de_Jes%C3%BAs

bottom of page