top of page

Ang relihiyon, kultura, at iba pang salik na nakaaapekto ng estado
ng mga kababaihan

Malaki ang naging impluwensya ng relihiyon, kultura, heograpiya, at iba pang salik sa kung bakit naging ganoon ang estado ng mga kababaihan noon sa ngayon. Kinwestyon rin ni Rizal sa liham ang relihiyon na ipinataw ng mga Espanyol sa mga Pilipino noon kumpara sa Kristiyanismong ipinapataw sa Europa noong panahong iyon. Ito ay magkaiba at dahil dito, ipinabatid niya sa mga kababaihan ng Malolos na maging kritikal sa kanilang naoobserba.

17803268912_3d2312a058_b.jpg
bd42bb42a5ff0ab13d8e0a6bc313489d.jpg
Mga kababaihang dadalo ng misa sa simbahan (kaliwa), at mga mananahi noong panahon ng Amerikano (kanan)

Noong ika-19 siglo, ang Kristiyanismo ay isang malakas na panlipunang usapan sa Europa na sumasaklaw pa ng napakaraming bansa at teritoryo. Naganap naman sa ika-20 siglo ang pagsulong ng pagbabago at reporma sa mga kababaihan (Curtis, 2013). Naging katalista ang mga dalawang pandaigdigang digmaan at ang apat na industriyang rebolusyon upang samantalahin ang pagkakataon ng mga kababaihan na magkaroon ng boses at mapatunayan ang kakayahan ng babae na hindi sila dapat makahon sa pagiging maybahay lamang. Gumana naman ang taktikong ito at sumulong ang pagkakapantay-pantay. Naging progresibo ang paraan ng pagsulong ng ideolohiyang ito at nagsimula na rin kwestyunin ang mga nakaraang imposisyon ng lipunan sa mga kababaihan. Ginawang sisihan ang tradisyon, relihiyon, at kultura. Ito ay ipinahinuhang “inherent evils of society” ang mga ganitong konsepto. Kumbaga, “break the tradition system” (progresibo) bilang transisyon sa mga pangyayari sa mundo dahil ang di pagkakapantay-pantay (inequality) na nangyayari ay isang pananakot sa pandaigdigang kapayapaan.

"

Naging progresibo ang paraan ng pagsulong ng ideolohiyang ito at nagsimula na rin kwestyunin ang mga nakaraang imposisyon ng lipunan sa mga kababaihan.

vnmohnfx0pwtyk5ywc9s.webp
ZZZ_101218_1_2018_10_12_10_52_45.jpg
Mga progresibong kababaihan sa panahon ngayon: mga miyembro ng Gabriela Partylist (kaliwa) at Margielyn Didal (kanan).
MGA SANGGUNIAN

(ca. 1900) Embroidery class at Paco School, Manila, Philippine Islands. Philippines Manila, ca. 1900. [Between and 1923] [Photograph] Retrieved from the Library of Congress, https://www.loc.gov/item/91730271/.

​

Carreon, G. (2018). Gabriela party-list files COC. GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/news/topstories/photo/266823/gabriela-party-list-files-coc/photo/

​

Curtis, S. (2013, Pebrero 12). How Did the Roles of Women Change Over the Course of the Late 19th Century? https://sites.suffolk.edu/slcurtis92/2013/02/12/how-did-the-roles-of-women-change-over-the-course-of-the-late-19th-century/ 

​

Le Roy, J. (1905). Filipino women of the lower class ready to go to church, Philippines 1905 or before [Image]. Flickr. https://www.flickr.com/photos/johntewell/17803268912

​

Merrell, C. (2022). Filipina skateboarding star Margielyn Didal: “I’m just doing my thing.” [Image]. The Olympics. https://olympics.com/en/news/filipina-skateboarding-star-margielyn-didal-paris2024

​

Philippine Statistics Authority. (2021). Age and Sex Distribution in the Philippine Population (2020 Census of Population and Housing).

​

Roces, M. (2002). Women in Philippine politics and society. Mixed blessing: The impact of the American colonial experience on politics and society in the Philippines, 41, 159.

​

Tewell, J. (2011). Embroiderers at Looban Convent, Paco - Near Manila, Philippines, late 19th or early 20th century [Image]. Flickr. https://www.flickr.com/photos/johntewell/5634001824/in/photostream/

​

bottom of page