top of page

Papel ng mga kababaihan
ng Pilipinas
sa mga rebolusyon

Dahil sa ipinamalas na hangarin ng mga kadalagahan ng Malolos, nakita ni Rizal na posibleng maging katuwang ang mga kababaihan sa pagpapagaling ng bayan. Tila ang pananaw na ito’y tama (subalit sa mas malakihang papel, labas sa nakakahong ideya ng mga Kastila ukol sa mga kababaihan noon) sapagkat nagkaroon ng aktibong partisipasyon ang mga kababaihan sa mga rebolusyon na naganap sa Pilipinas.

cruz roja de damas.png
2183_1521109460_ad61a.jpg
Asociacion Filantropica dela Cruz Roja at isang FIlipina na may Assault Rifle

Sa Himagsikang Pilipino at Filipino-American War, nagkaroon ng bahagi ang mga kababaihan sa magkakaibang pamamaraan (Hega et al., 2017).

​

  • Lohistikal: Naitatag ang Asociacion Filantropica dela Cruz Roja upang tulungan ang rebolusyon sa pamamagitan ng pangongolekta ng pondo para sa digmaan at paggagamot ng mga sugatang rebolusyonaryong sundalo.

  • Intelektwal: Naglathala rin ang mga kababaihan ng mga tula sa mga rebolusyonaryong publikasyon tulad ng El Heraldo de la Revolucion at La Independencia.

  • Pisikal: Pinamunuan ng iilan ang mga kawal sa digmaan noong Filipino-American War, gaya na lamang nina Aguada Kahabagan ng Laguna, Trinidad Tecson ng Bulacan, at Teresa Magbanua ng Iloilo.

"

May aktibong partisipasyon ang mga kababaihan
sa mga rebolusyon na naganap sa Pilipinas.

2183_1521109462_c9f0f.jpg
1-174.jpg
Litrato nina Teresa Magbanua (kaliwa) at ni Remedios Gomez, alyas Kumander Liwayway (kanan).

Sa simula ng ika-20 na siglo, nagkaroon ng pag-unlad sa kilusan ng mga kababaihan (Hega et al., 2017). Itinatag ang unang peministang asosasyon, ang Asociacion Feminista Filipina ni Concepcion Felix de Calderon. Nagtaguyod ito ng programa na tinutugunan ang kalusugan ng mga kababaihan at kabataan lalo na sa mga nasa laylayan. Nabuo rin ang Asociacion Feminista Ilonga sa pamumuno ni Pura Villanueva-Kalaw na ipinaglaban ang karapatan sa pagboto ng mga kababaihan.

 

Sa ilalim naman ng pananakop ng mga Hapones, maraming kababaihan ang mga naging biktima ng pagiging comfort women ngunit may mga nakilahok sa armadong pakikibaka laban sa Hapon (Hega et al., 2017). Isang halimbawa ay si Felipa Culala alyas Dayang-dayang. Pinangunahan niya ang isa sa mga pinakaunang puwersa ng gerilya laban sa mga Hapones bilang bahagi ng HUKBALAHAP kung saan matagumpay na nagsagawa ang mga ito ng ambush.

 

Ipinababatid ng mga nasalaysay na sa kabila ng opresyon sa mga kababaihan, matatagpuan pa rin sila sa unahan na lumalaban (Hega et al., 2017).

"

Nakita ni Rizal na posibleng maging katuwang
ang mga kababaihan sa pagpapagaling ng bayan.

2183_1521109465_d09bf.jpg
2183_1521109467_37693.jpg
Litrarto nina Nicolasa Dayrit Panlilio (kaliwa) at Elena Poblete alyas Kumander Mameng (kanan)
MGA SANGGUNIAN

Chua, X. (2013, March 10). XIAOTIME, 1 March 2013: ANG PAGDIRIWANG NG IKA-150 ANIBERSARYO NG RED CROSS [Image]. IT’S XIAOTIME! https://xiaochua.net/2013/03/01/xiaotime-1-march-2013-ang-pagdiriwang-ng-ika-150-anibersaryo-ng-red-cross/

​

Dimitri Mostrey (www.puertoparrot.com). (n.d.). Why Women Rule Pampanga | Articles - PuertoParrot.com [Image]. Puerto Parrot. https://www.puertoparrot.com/articles/why-women-rule-pampanga

​

Maikling Kurso sa Lipunan at Rebolusyong Pilipino. (2019). Pambansang Demokratikong Paaralan.

​

Hega, M. D., Alporha, V. C., & Evangelista, M. S. (2017). Feminism and the Women's Movement in the Philippines: Struggles, Advances, and Challenges. Friedrich-Ebert-Stiftung. https://asia.fes.de/news/feminism-and-the-womens-movement-in-the-philippines

bottom of page