top of page

Pakikilahok
ng mga kababaihan
sa lipunang Pilipino

Batay sa 2020 Census of Population and Housing, tinatayang 55.02 milyon (50.6%) ay lalaki habang 53.65 milyon (49.4%) ay babae (Philippines Statistics Authority, 2021). Sinasabi na malaking bilang ng mga kababaihan ay nabibilang sa uri ng inaapi at pinagsasamantalahan. Ito ay buhat ng sistemang mala-kolonyal, mala-pyudal, at burges na pananaw (Maikling Kurso sa Lipunan at Rebolusyong Pilipino, 2019). Dahil sila ay nasa mababang katayuan sa lipunan, limitado ang mga oportunidad na makapag-aral at makapag-trabaho na bukas para sa kanila. Gayunpaman, makikita sa ating kasaysayan na sinusubukan ng mga kababaihan na lumutang sa ekonomiko, panlipunan, at politikal na espasyo. 

service-pnp-stereo-1s30000-1s35000-1s35500-1s35549v.jpg
Mga Cigarreras noong ika-19 na siglo.

Ayon kay Camagay (1995), nakatulong ang mga kababaihan noong ika-19 na siglo sa kanilang trabaho bilang mga Cigarreras. Ang mga Cigarreras o Tabacco factory workers noong ika-19 na siglo ay itinutiring na backbone of tabacco monopoly. Malaking bilang sa kanila ay mag kababaihan at nagawa nilang mag-demand nang pantay na sahod sa mga kalalakihan sa pagawaan ng tabako noong ika-19 na siglo. Binasag ng katauhan ng cigarreras ang maling kuro-kuro, gayundin ang representasyong pampanitikan na ang mga babaeng Pilipino sa panahon ng kolonyal na Kastila ay maamo at masunurin, at mga relihiyoso, na may kaunti o walang kontribusyon sa kolonyal na ekonomiya.

​

Sa aspetong panlipunan naman, makikita ang pag-angat ng kababaihan sa patimpalak na Carnival Queen at Miss Philippines (Roces, 2002). Ang pagpapakilala ng mga Amerikano sa Carnival Queen at Miss Philippines ay isa sa mga nagbigay daan upang mapansin ang mga kababaihan sa mga espasyo sa babasahin tulad ng mga magasin. Ang Philippines Free Press na karaninwang iniuulat lang ang mga pangunahing pambansang isyu ay naglathala na rin ng mga kwento ng mga kababaihan, ngunit limitado lamang sa buhay beauty queen. Sa argumento ni Leonardo Mercado, “beauty is interchangeable with truth and good in the Filipino mind” kung saan ang pagkakahulugan natin ng maganda ay tumutumbas din sa socially acceptable behavior at hindi lamang sa pisikal na anyo na siya namang gustong ipakita ng mga Amerikano. Sa ganitong bandang sinasabi na “Carnival Queen can be look at as typifying the ambivalent modern woman of the times.”

"

Binasag ng katauhan ng cigarreras ang maling kuro-kuro, gayundin ang representasyong pampanitikan na ang mga babaeng Pilipino sa panahon ng kolonyal na Kastila ay maamo at masunurin, at mga relihiyoso, na may kaunti o walang kontribusyon sa kolonyal na ekonomiya.

Screenshot 2023-01-13 201736.png
Mga nagwaging beauty queens sa Manila Carnival

Ang mga lumahok sa ganitong kompetisyon ay nagkaroon ng mahalagang papel na ginampanan sa lipunan. Ilan sa mga beauty ay ang mga sumusunod:

  • Pura Villanueva (reyna noong 1908) - suffragist, social worker, presidente ng Association Feminista Ilonga, 1918 presidente ng Women’s Club of Manila, editor ng Spanish section ng Woman’s Outlook

  • Paz Marquez (reyna noong 1912) - manunulat ng maikling kwento, isa sa mga nagtatag ng Philippine Women's University, suffragist, isang propesor, sinimulan ang Women’s Journal at nagtrabaho sa Philippine Journal of Education 

  • Trining Fernandez (reyna noong 1924) - editor ng English section Woman’s Outlook, at naging pangulo ng National Federation of Women’s Clubs

  • Maria Kalaw - mamayahag at senador

  • Trining de Leon (reyna noong 1921) - major officer ng Philippine Red Cross

​

At ang panghuli, makikitang may mahalagang papel rin ang mga kababaihan sa aspetong politikal (Roces, 2002), Bago napanalunan ang pagboto ng kababaihan noong 1937 at bago payagang kumandidato ang kababaihan, nangangampanya sila para sa kanilang mga asawa sa publiko (metodos antiguos). Marahil para iilan, ito ay isang simpleng “pagtulong” lang nila sa kanilang asawang babae o kaya o kanila lamang ginagampanan ang kanilang tungkulin bilang asawa. Ngunit ang hakbangin ito ay nagbigay sa mga kababaihan ng “unofficial power”. Dahil din dito, ang mga asawang babae na lumahok sa pampulitikang karera ng kanilang asawa ay naging mga pulitiko mismo sa ibang pagkakataon.

"

Makikita sa ating kasaysayan na sinusubukan ng mga kababaihan na lumutang sa ekonomiko, panlipunan, at politikal na espasyo. 

15574962743_f431143a21_b.jpg
Bt7-sDfIIAAdGxd.jpg
PH-Women-at-the-White-House.jpg
Kilusang Suffrage sa Pilipinas, at ang mga peministang pagkat na sumusuporta rito.
MGA SANGGUNIAN

Camagay, M. L. T. (1995). Working women of Manila in the 19th century. University of the Philippines Press.

​

Cornejo (1937). The Board of Directors of the National Federation of Women's Clubs of the Philippines which took a lead in the campaign for the success of plebiscite on women's suffrage in 1937 [Image]. 1933. Flickr. https://www.flickr.com/photos/govph/15574962743

​

De Leon, E. (2017). Manila Carnival Queens [Image]. 1933. Flickr. https://www.flickr.com/photos/edlei/36147185681

​

Ferraren, L. (2020, May 5). Weekly Issues: The Early Philippine Suffrage Movement in Washington [Image]. US-Philippines Society. https://www.usphsociety.org/2020/05/05/weekly-issues-the-early-philippine-suffrage-movement-in-washington/

​

H.C. White Co, P. (1907) A crowded room in a cigar factory, women and girls making cigars, Manila, Philippine Islands. , 1907. North Bennington, Vt.: H. C. White Co., Publishers. [Photograph] Retrieved from the Library of Congress, https://www.loc.gov/item/2002709846/.

​

Philippine Statistics Authority. (2021). Age and Sex Distribution in the Philippine Population (2020 Census of Population and Housing).

​

Roces, M. (2002). Women in Philippine politics and society. Mixed blessing: The impact of the American colonial experience on politics and society in the Philippines, 41, 159.

​

Statement: PCW on the 78th Anniversary of Women’s Suffrage in the Philippines | GOVPH [Image]. (2015, April 30). Official Gazette of the Republic of the Philippines. https://www.officialgazette.gov.ph/2015/04/30/statement-pcw-on-the-78th-anniversary-of-womens-suffrage-in-the-philippines/

​

​

bottom of page