top of page

Si Pepe bilang Peminista?: Isang Suri Tungkol kay Rizal

Itinatampok sa maraming akda ni Rizal ang mga tauhan na babae, na kanyang ginamit bilang kritisismo laban sa imperyalismong Espanyol. Ngunit, hindi ito maaaring masuri sa lenteng egalitaryan kung saan pantay-pantay ang lahat, dahil hindi pa ito progresibong representasyon ng kababaihan, at ito ang namamayaning mga representasyon sa nakaraan. Ang mga akda ni Rizal, ayon kay Coulter (2015) sa kanyang akdang "Questioning the Status of Rizal's Women in Noli Me Tangere and El Filibusterismo", ay maiintindihan lamang sa lenteng patriyarkal.

4103fe883e8ea4bbad4aa9250deefc83.jpg
db9d9a0a9abac5add334748356955283.jpg
Mga karaniwang gampanin ng mga kababaihan - ang pag-aalaga ng kanilang mga anak.

Maraming esterotipikal na katangian ng kababaihan sa kanyang mga akda dahil sa mga naghaharing ideya tungkol sa mga kababaihan sa kanyang nararanasang panahon noon. Ayon kay Altez-Abela (2020), wala sa mga babaeng karakter sa mga akda ni Rizal ang binigyan ng positibong pagsasalarawan.  Ngunit, maituturing na kakarampot ang gampanin ng mga kababaihan sa kanyang akda, habang ang karamihan ng mga importanteng kaganapan sa kanyang nobela ay ginampanan ng mga kalalakihan. Ilang halimbawa at pagkukumpara ng mga gampanin ng mga kababaihan ay ang mga binanggit: 

 

  • Mabuting ina, at posibleng simbolismo sa paghihirap ng bansa noong panahon ng Espanyol - Narcisa

  • Birhen - Maria Clara, Huli/Juli, posibleng si Paulita Gomez

  • Panatikong sosyal o relihiyosa - Doña Victorina at Doña Patroncino

 

Bagama’t katwiran pa rin ni Rizal na walang idinadagdag ang mga prayle sa pagiging mabuting ina ng mga kababaihan, malapit pa rin ang kanyang mga pinanghahawakang prinsipyo sa mga paniniwala ng mga Europeo. Tila nakikitang ideyal sa teksto ang pangangailangang maging mabuting ina ng mga babae, ipag-aral ang mga anak dahil higit na mahalaga ang edukasyon, at suportahan ng mga kababaihan ang mga asawa, upang lumabas ang angking kagalingan ng mga kalalakihan. Limitado ang ideya ng pagiging mabuting asawa sa kababaihan. 

"

Dagdag dito, binigyan ang mga kababaihan
ng mga gagampaning malakas ang epekto sa daloy ng istorya, ngunit masasabing hindi naging maganda ang kahihinatnan nila sa kwento.

b3d9677b82547ee4f3ae7f4c27d712fc--photo-postcards-historical-photos.jpg
3b64f122d8fe72c5bba3cf51cc4bd34c.jpg
Ang pagiging mabuting ina at mabuting asawa ang mga katangiang kailangang taglayin ng mga kababaihan noon.

Dagdag dito, binigyan sila ng mga gagampaning malakas ang epekto sa daloy ng istorya, ngunit masasabing hindi naging maganda ang kahihinatnan ng mga kababaihan sa kwento. Si Maria Claria ay nalamang namatay sa kanyang pagkapasok sa kumbento, si Sisa ay nabaliw, at nagpakamatay si Huli/Juli sa halip na magpahuli kay Padre Camorra. Sa kanilang pagkasawi ay napalakas lamang ang pag-usbong ng mga kalalakihang tauhan (character development) tulad nina Ibarra/Simoun at Basilio. Walang nabanggit tungkol sa teksto tungkol sa pag-usbong ng mga kababaihan bukod sa kanilang pagpapaanak sa “tunay na lalaki”.

​

Ngunit, kung susuriin ang kanyang mga liham sa labas ng kanyang mga akda, partikular na sa “Message to the Young Women of Malolos”, si Rizal ang nag-anyaya sa mga kababaihan na gamitin ang talinong taglay. Iginiit niya na huwag magpalinlang at magpabulag sa kagustuhan ng mga Espanyol (Logarta, 2011). Ito’y maaaring suri na naniniwala siya sa galing na taglay ng mga kababaihan, o masusuring paggamit niya sa aksyong pag-ayaw ng mga Espanyol sa pagpapatatag ng paaralan, bilang oportunidad na makumbinsi ang mga kababaihan na sila’y kalabanin. Ngunit, sa pagsuportang ito, maituturing bang isang peminista si Rizal?

 

Makikitang binanggit ni Rizal sa kanyang liham na ang mga babae sa panahon niya ay parang mga bulaklak na walang halimuyak, nagbubunga at walang katas, at nagtataglay ng mga katangian na mahinhin at masunurin.  Kaya naman nagalak siya sa ipinakitang katapangan ng mga kababaihan ng Malolos nang isulong nila ang karapatan nilang makapag-aral – katangian na sinasabi ni Rizal na wala ang mga kababaihan.

"

Kaya naman nagalak si Rizal sa ipinakitang katapangan ng mga kababaihan ng Malolos nang isulong nila ang karapatan nilang makapag-aral – katangian na sinasabi niyang na wala ang mga kababaihan.

16.jpg
Ang mga kababaihan ng Malolos, Bulacan.

Bagama’t ipinahayag rin niya na hindi niya nagustuhan na ang nais ng mga kababaihang matutunang wika ay Espanyol, ito’y naging oportunidad upang anyayahan silang makipaglaban para sa kanilang karapatan sa edukasyon at pagkakapantay-pantay. Sa ganitong paanyaya pa lamang ay makikitang naniniwala si Rizal sa karapatang edukasyon at pagkakapantay-pantay sa mga kababaihan, datapwat makikita pa rin na sa kanyang liham ang Europeong ideya. 

 

Sa kabilang banda, kalakip din sa liham ay mga responsibilidad at katangian na dapat taglay ng isang ina. Binanggit niya na ang mga inaasal nila ay siyang  mapupulot ng kanilang mga anak, at ito’y makakatulong sa kanilang paghubog. Kanyang sinaad na ang mga babae ay ang mga tagapagluwal ng mga kalalakihang lalaban para sa bayan. Makikita natin sa kaniyang buhay na ang kaniyang ina na si Teodora Alonso ay ang nagsilbi niyang unang guro, at ang humubog sa kaniyang kaisipan. Ngunit, nagkaroon ng lamat sa kanilang relasyon bilang mag-ina nang mapansin ni Rizal ang mga korapsyon ng simbahan, at sinimulan niya ang pagkwestiyon sa kanilang mga gawain sa kaniyang mga akda. Ang pagiging relihiyoso naman ng kaniyang ina ang isa sa isa sa mga bagay na tinalakay at pinunlaan niya sa liham para sa kababaihan ng Malolos. Dahil rito, kinuwestiyon ni Rizal anong klaseng mga Pilipino ang mabubuo kung ang kanilang mga ina na nagpalaki sa kanila at nakasama nila mula umpisa ng kanilang buhay ay walang ibang alam kundi ang magdasal at sumunod sa simbahan. 

"

Sinaad ni Rizal sa kanyang liham na ang mga babae
ay ang mga tagapagluwal ng mga kalalakihang lalaban para sa bayan.

Teodora_Alonzo_Mercado_Rizal.jpg
CXtSJ9fW8AAIyvQ.jpg
benedicto-cabrera-teodora-alonzo-reads-the-story-the-moth-and-the-flame-to-her-son.jpg
Si Teodora Alonso, isang mabuting ina mula sa pagkabata hanggang sa kamatayan ni Rizal.

Ang mahalagang ideya na ipinapamalas ni Rizal ay ang pagkakawala ng katwiran ang siyang magbubunga ng panatismo mula sa pagiging relihiyoso lamang. Hindi niya iginiit ang pagiging masama ng paniniwala, ngunit nilabanan niya ang bulag na paniniwala. Konektado ito sa argumento ni Rizal na ang halaga ng kababaihan ay nakasalalay sa kanilang kontribusyon sa pagkakakilanlang Filipino, na tinatawag ni Durano (2011) na angkop sa “capabilities approach” nina Sen at Nussbaum. Sa liberal na tradisyon, nauugnay ang kanyang katwiran sa pagsusukat ng “tunay na halaga” ng mga kababaihan. Ito’y dahil para kay Rizal, “Character of motherhood reflected that of motherland.” Kinakailangang maging mulat at rasyonal ang mga kababaihan upang maging mulat ang bayan. 


Mula sa mga argumento ni Rizal, hindi siya matatawag na pinakaprogresibong peminista, ngunit ang kaniyang kaisipan para sa mga kababaihang Pilipino ay pasok sa ideya ng liberal na peminismo (Pecson Fernandez, 1998). Ito ay dahil sa kanyang tendensiya na bigyang pokus o halaga ang kontribusyon ng babae sa bansa, at dahil sa kanyang kinalakihang buhay bilang isang ilustrado at miyembro ng petiburgesya. Nagkakaroon sila ng halaga kung nakabibigay sila ng makabuluhang kontribusyon sa kaunlaran ng bansa, at kung sila ay magiging rasyonal na mamamayan. Taliwas ito sa pagtingin sa mga kababaihan bilang taong mayroong likas na halaga’t karapatan. Sa kabila nito, binibigyan niya ng katumbas na respeto at hinimok niyang tingnan ng mga kababaihan ang kanilang mga sarilli bilang mga taong marunong mag-isip at mangatwiran. Hindi siya sang-ayon na ang lugar ng mga babae ay pagsusunod lamang sa kalalakihan, o sa relihiyon; sila ay may sariling mahahalagang gampanin at pag-iisip.

"

A woman builds a society by  being the seedbed of humanity —she bears and gives birth, nourishes and educates; she does not only build a family and home but a nation.

3jr.jpg
Mga kababaihan sa probinsya noong panahon ng mga Amerikano.
MGA SANGGUNIAN

1930s Vintage Photograph. Philippines - Tender photo of grandmother and two children [Image]. (1930). Etsy. https://www.etsy.com/listing/162019481/1930s-vintage-photograph-philippines?ref=shop_home_active&ga_search_query=philippines&ga_search_type=user_shop_ttt_id_5446290&epik=dj0yJnU9MnhLdTBCLWJlWnY3UmlvendzUFJtTVFnSFVqNVMtNXImcD0wJm49Q3JHeHd1d25OSENzUEY4LXZDbnpVZyZ0PUFBQUFBR1BDMUw0

​

Cabrera, B. (1996). Teodora Alonzo reads the story the moth and the flame to her son [Image]. Artnet. https://www.artnet.com/artists/benedicto-cabrera/teodora-alonzo-reads-the-story-the-moth-and-the-81jBhTjqCraglsCFRW7ntQ2

​

Clickerheels, D. (2014, September 22). Philippines Fashion [Image]. Pinterest. https://www.pinterest.ph/pin/511158626430784157/

​

Cochrane, J. (2008). Helping Mamma iron the clothes [Image]. Flickr. https://www.flickr.com/photos/24443965@N08/2937553892/in/set-72157607976452610

​

Coulter, P. (2015). Questioning the Status of Rizal's Women in Noli Me Tangere and El Filibusterismo. Pacific Asia Inquiry, 6(1), Fall 2015. Retrieved from https://www.uog.edu/_resources/files/schools-and-colleges/college-of-liberal-arts-and-social-sciences/coulter-rizal-women.pdf

​

Durano, M. (2011). Reason and responsibility: reading Rizal’s letter to his Maloleña compatriots using the capabilities approach. PH Rev. Econ., 18(2), 79-116. Retrieved from https://econ.upd.edu.ph/pre/index.php/pre/article/view/667/773

​

Keystone-Mast Collection, University of California Riverside. (2015). Mother and child, Philippines, early 20th Century {image]. Flickr. https://www.flickr.com/photos/johntewell/16852827173/in/photostream

​

Logarta, S. (2011). Rizal for educators and women. Retrieved from https://newsinfo.inquirer.net/14215/rizal-for-educators-and-women 

​

Nakpil, C. G. (2021). Why Rizal’s letter to the women of Malolos remains relevant to Filipino feminists of today [Image]. ABS-CBN News Channel. https://news.abs-cbn.com/ancx/culture/spotlight/03/29/21/why-rizals-letter-to-the-women-of-malolos-remains-relevant-to-filipino-feminists-of-today

​

Official Gazette PH  (2014, December 30). Teodora Alonzo holding the skull of her son, Jose Rizal. [Image] Twitter. https://twitter.com/govph/status/549771917516107776

​

bottom of page